Maine

MAINE PINAGDUDUDAHANG BUNTIS

May 1, 2024 Vinia Vivar 72 views

Naghihinala ang mga netizen na buntis na si Maine Mendoza sa first baby nila ni Arjo Atayde dahil sa hirit ni Joey de Leon sa kanya sa isang episode ng Eat Bulaga recently.

Viral na nga ngayon sa social media ang video sa nasabing episode. Mapapanood dito na nagtatatalon si Maine nang biglang humirit si Joey at pinagbawalang gumalaw si Maine.

“’Wag masyadong gumalaw, Menggay,” ani Joey.

‘Yun lang at katakut-takot na ang reaksyon ng mga netizen tungkol dito.

Anila ay parang clue ito na baka nagdadalang-tao na si Maine.

“Ganyan din si Joey nung sinabe niya buntis si (Pauleen) Luna sa pangalawa nya. Yun nga totoo nga,” sabi ng isang netizen.

Pero ang iba naman ay iniisip na baka dahil sa damit ni Maine na medyo maluwag kaya nasabi ni Joey ‘yun.

Sey naman ng isang netizen, walang masama kung buntis si Maine dahil may asawa ito.

Oo nga naman. At kung buntis man si Maine, for sure ay iaanunsyo rin nila ito.

AUTHOR PROFILE