Sunshine

Sunshine ayaw pag-usapan ang love life: Ibalato n’yo na lang sa akin

May 1, 2024 Vinia Vivar 67 views

Isa sa mga puring-puri kay Sunshine Cruz ay ang pagiging young-looking kahit nasa late 40s na siya. Ang lagi ngang komento ng netizens sa kanya ay bampira siya dahil hindi siya tumatanda at para lang silang magkakapatid ng tatlo niyang anak na babae.

Sa mediacon ng Thiocell Glutathione Lozenges na iniendorso ni Shine, natanong siya kung ano ba ang sikreto ng kanyang pagiging “bampira.”

“Hindi naman masyado,” natatawa niyang sabi. “No, but kidding aside, I love to sleep. Introvert kasi ako, so I’d rather stay at home with my kids, sleep, and ano lang, I stay away from negativity and dramas. Ayoko ng drama, so positive lang. Positive ang outlook sa life, always be grateful for what you have, and kung ano ‘yung wala, always just focus on what you have.”

Siyempre, isa rin sa mga sikreto niya ay ang Thiocell na three months na niyang tine-take.

“Baka kasi may magtatanong sa inyo, bakit kailangan ko pa ng pamputi, maputi na ako. ‘Di ba? ‘Yun ang iniisip ng mga tao, ‘ah, gluta, nagpapaputi lang.’

“Yes, of course, isa ‘yan sa best whitening supplements, ang glutathione. But for me, of course, bilang artista, kailangan, may glow ang skin and it also serves as anti-aging product, so it really helps me,” aniya.

Siyempre, ang pagwo-work out ay hindi rin niya kinakalimutan. She works out four times a week. She also drinks a lot of water dahil napakaimportante nito sa ating health.

Samantala, hindi rin nakaligtas ang aktres sa mga tanong about her love life pero ayaw na niyang magsalita pa about it.

“After the very public relationship I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang,” she said.

As we all know, ang huling boyfriend ni Shine ay ang politikong si Macky Mathay.

Tumagal ang kanilang relasyon for almost six years at nag-break sila noong 2022.

Asked if she’s seeing someone right now, ayon sa aktres, ayaw na niyang pag-usapan ito.

“I don’t really want to talk about it. So, ibalato n’yo na lang sa akin. I’m turning 47, mga anak na lang pagkuwentuhan natin,” aniya.

Dagdag pa niya, “Parang ang sa akin, hindi naman na ‘ko teenager para pag-usapan. And magulo lang, eh, magulo. So, whatever I have or I don’t have, I’d like to keep it private na lang, pagdating sa puso or personal life.”

AUTHOR PROFILE