Glaiza naging emosyonal sa pagbabalik sa Encantadia

May 1, 2024 Aster Amoyo 77 views

NAISUOT na ni Glaiza De Castro ang bagong warrior costume ni Sang’gre Pirena sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Kuwento ni Glaiza sa 24 Oras, hindi niya naiwasang kiligin sa excitement sa pagbabalik bilang Sang’gre Pirena.

“Nakakailang taping days na rin po ako. Habang ginagawa namin ‘yung mga eksena namin, saka ko binabalikan si Pirena. Ang maganda naman sa ‘Sang’gre,’ hindi mahirap balikan.

Ayon pa kay Glaiza, dumating din sa punto na naging emosyunal sila ni Bianca Umali nang malaman ang mga gagawin nilang eksena.

“Kagabi ipinakita sa amin ni Bianca ni Direk Mark [Reyes] ‘yung ibang mga eksena, they put it all together. Naiyak kami kasi parang this time, masaya kami na na-continue ang legacy ng ‘Encantadia,'” sabi ni Glaiza.

Nagsimulang sumalang si Glaiza sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang’gre noong Marso.

Makakasama ni Glaiza sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA ang bagong henerasyon ng mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

Magbabalik din sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Rocco Nacino mula sa Encantadia 2016.

Nasa serye rin sina Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

Pinoy movie sasabak sa isang filmfest sa Japan

JinseoSASABAK sa Jinseo Arigato International Film Festival ang comedy film ni Njel de Mesa na Malditas in Maldives.

Pinagbibidahan ito nina Arci Muñoz, My Guardian Alien star Kiray Celis, at ni Janelle Tee.

Ang Jinseo Arigato International Film Festival ay isang paraan para ipagdiwang ang Cross-Cultural Cinematic Achievement ng mga Pilipino at Japanese sa larangan ng pelikula.

Gaganapin ang festival sa May 25-26, at ipapalabas ang mga pelikula sa Philippine cinemas pagkatapos nito.

Nag-post kamakailan ang NDM Studios sa kanilang Facebook page at nagpahtid ng kanilang congratulations.

“OFFICIAL JAPANESE TRAILER – PANG-INTERNATIONAL NA YARN!!! CONGRATULATIONS, OMEDETO GOZAIMASU for being selected as one of the entries to the JINSEO ARIGATO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL (in Japan) –to our hardworking cast, staff, production, and creative team for this cinematic achievement kineme!” sulat nila sa post.

Sa hiwalay na Instagram post, sinabi ng studio na honored silang mapabilang sa unang announcement video kung saan makikita ang iba’t ibang pelikula na kasama sa film festival.

Iikot ang kuwento ng pelikula sa tatlong vloggers na gusto mag-feature ng isang magarang resort sa Maldives. Ngunit mapapansin ng tatlo na tila paulit-ulit ang mga pinagdadaanan nilang araw, dahilan para maghinalang sumakabilang buhay na sila.

Bukod sa Malditas in Maldives, makakasama rin sa film festival ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love. Napili ang kanilang pelikula bilang spotlight entry sa nasabing film festival.

AUTHOR PROFILE