Claudine

Claudine napaso sa pakikialam ni Angelu

May 1, 2024 Vinia Vivar 65 views

Inamin ni Claudine Barretto na nagsisisi siya sa nasabi niya na ayaw niyang makasama si Angelu de Leon sa isang pelikula.

Matatandaang sinabi ito ng aktres sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas last January.

Sa nasabing event ay tinanong ni Gladys on stage si Claudine kung game ba siya sa reunion project with Angelu and Judy Ann Santos.

Sagot ni Claudine, “No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Pinagpistahan ang linyang ito ni Claudine at dito na nga lumabas na may sama pala siya ng loob kay Angelu.

Sa isang panayam kay Claudine, diretsahan niyang sinabi na naiinis siya kay Angelu dahil lagi itong nagkokomento tungkol sa kanyang buhay.

Recently ay nakapanayam ni Ogie Diaz si Claudine.

Ayon sa aktres, “Alam mo, nagsisisi ako sa ginawa ko. At tina-try ko talaga na i-contact (si Angelu).”

Aniya pa, never siyang nagsabi na ayaw niyang makatrabaho ang isang artista at kahit sino ang isama sa kanya bilang katrabaho ay okay lang sa kanya.

Pero naging honest lang naman umano siya nang sinabi niya na ayaw niyang makatrabaho si Angelu.

“Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ‘please, stop talking about my life especially when you’re not asked,’” sey niya.

Aminado si Claudine na sumama ang loob niya kay Angelu pero alam niya na darating din ang time na magkakaayos sila.

“Alam kong in the days to come, alam kong tatawagan ko rin siya,” she said.

“Mali ko ‘yun pero in truth talaga, it’s that I don’t think talaga tama na magkasama kami. ‘Yun ang feeling ko ngayon, ha? Iba kasi ‘pag nakausap ko na, eh” she said.

Pero nilinaw niya na hindi siya galit kay Angelu.

“’Yung galit, wala akong galit. Ayoko lang, napaso na ‘ko. ‘Yun lang ‘yun,” sey ni Claudine.

AUTHOR PROFILE