Tapping CAUGHT IN THE ACT–Ang mga narekober na kagamitan ng mga suspek sa illegal tapping to the water/sewer or distribution pipe na naaresto sa Baseco noong Lunes. Kuha ni Jon Jon Reyes

7 tiklo sa illegal water tapping

May 21, 2024 Jonjon Reyes 119 views

ARESTADO ang pitong obrero dahil sa illegal tapping to the water/sewer or distribution pipe sa Block 1, Dubai, Baseco compound, Port Area, Manila noong Llunes.

Kinilala ni Police Lt. Col. Emmanuel Gomez ang isa sa mga suspek na si alyas Richard.

Base sa pahayag ni Jocelyn Omambac, barangay tanod sa Brgy. 649, Baseco compound, huling-huli ang ginagawang pang wawaldas ng tubig sa isang construction site sa lugar.

Naaktuhan din ang 6 pang kasamahan ng suspek na gumagamit ng nakaw na tubig ng Maynilad gamit ang 60-metrong tubo.

Nakumpiska ang 3 handheld radios, dalawang pliers, limang screwdrivers, isang flashlight, isang ridgid pipe wrench at 3 motor pipe mula sa pitong suspek.

AUTHOR PROFILE