Guess

Mestisang sexy star hirap mag-Ingles

May 1, 2024 Jun Nardo 57 views

NALAHIAN ang isang female sexy star kaya makinis at mestisa. Mabenta rin siya dahil sa maamo at magandang mukha.

‘Yun nga lang, lumaki sa lola at hindi maatas ang edukasyong natapos kaya limitado ang salitang English na alam.

Hindi rin siya binibigyan ng dayalog na English dahil hirap siyang bigkasin at tandaan, huh!

Ang isa pang kulang sa kanya, kapag isinusulat ang real name na foreign, hindi niya maisulat nang tama.

Kaya ‘pag binabayaran siya sa trabaho, madalas, eh, cash ang payment at hindi cheke dahil kulang siya sa kaalaman.

TALENT SEARCH

PATULOY pa rin ang paghahanap ng Quantum Films ng bagong mukha na ilo-launch sa isang international film na kukunan dito at sa ibang bansa.

Either babae o lalaki ang hinahanap, may Fiipino ethnic look, willing bumiyahe at mag-shoot sa Europe.

Ang masuwerteng bata, eh, makaka-co lead ng isang Oscar best actor winner.

Ang bata ay dapat apat na taon o kahit mas matanda pa.

Dapat ay puwede siyang mag-shoot sa Europe sa pagitan ng October at November 2024 at sa Pilipinas, January to March 2025.

Magpadala ng one-minuter introduction ng sarili sa Quantum Films FB page; Quantum Films Tiktok accout o kaya’y sa e-mail: [email protected] at Viber (0928-553888).

Ang deadline ng submission ng requirement ay sa May 15.

AUTHOR PROFILE