Kulong

MAY ‘SAYAD’ GINILITAN AMA, 2 KAPATID

July 27, 2023 Gil Aman 247 views

ISANG ama at dalawang anak nito ang ginilitan umano ng isa pa niyang anak na may sakit umano sa pag-iisip noong Miyerkules sa loob ng kanilang tahana sa Kamagong St., Bgy. Looc, Calamba City.

Kinilala ni PLt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police, ang mga biktima na sina Manuel, Emmanuel at Norberto Deniega, mga residente ng Bgy. Looc.

Sa inisyal na ulat ng Calamba police,nabatid na ang mga biktima ay ginilitan ng suspek gamit ang isang cutter bandang 1:40 p.m.

Ang tatlong mga biktima na nagsipagtamo ng malalalim na sugat sa leeg, tiyan at baba. Sila ay nasa stable condition na sa JP Rizal Hospital.

Ang pangyayari ay agad ipinagbigay alam sa pulisya ni Barangay Captain Rustan Miranda.

Agad nagpadala ng Special Reaction Unit (SRU) si Martirez kung saan inabutan ang suspek na kinilalang si Reynaldo Deniegana na nagtatago sa isang sulok ng bahay.

Nahaharap sa kasong parricide ang arestadong suspek na nakakulong sa Calamba City jail.

AUTHOR PROFILE