Default Thumbnail

Karpintero sinalpok ng van, tigok

May 21, 2024 Jojo C. Magsombol 115 views

TIGOK noong Linggo ang karpintero na nasalpok ng van habang tumatawid sa Maharlika Highway sa Brgy. Santiago, Sto. Tomas City, Batangas.

Kinilala ang nasawi na si alyas Romeo, 45, ng Brgy. Santiago, Sto. Tomas City, ayon sa Sto. Tomas police.

Lumalabas sa imbestigasyon na tatawid si alyas Romeo bandang alas- 2:30 ng umaga nang mabundol ng Toyota Regius van (BDU 643) na minamaneho ng isang alyas Raul, 54, ng 2B Flores St., Krus na Ligas, Quezon City.

Nagtamo ng matinding injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

AUTHOR PROFILE