Zeinab Larawan: Zeinab Harake/FB

Zeinab kumasa sa ‘asoka’ challenge

May 1, 2024 People's Tonight 113 views

SINO ba namang hindi pa na-LSS sa lyrics na “san sanana?” Hindi rin nagpahuli ang social media personality na si Zeinab Harake sa trending na trending na “asoka” challenge.

Balot na balot sa gold accessories, suot ang Arabian outfit ay pasabog ang cover ni Zeinab. “Arabian girl. Asoka tiktok up now,” aniya nang ilapag niya ang photoshoot naman niya.

Sa Facebook pa lamang, halos umabot na sa 2-milyon ang reactions, na may 30K shares, at 16K comments.

Umani naman ng papuri ang version ni Zeinab mula sa kanyang mga tagahanga. Narito naman ang ilang komento ng ilan ding social media personalities:

“Hindi nako mapapatanong kung na-San Na Na Na yung sayooo eto naaaa 😍 makakatulog na kami. IKAW ANG GODDESS BABY!!” ani Donnalyn Bartolome.

“Grabe ka na Tol tapos na tong Asoka Trend na to , itsura check tapos costume Check ikaw na wala na ayawan na talaga tol,” sey naman ni Jomar Lovena.

AUTHOR PROFILE