Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 2, 2024 People's Tonight 99 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4WITH curls cascading like a gentle flair, a Filipina beauty with grace beyond compare, her radiant smile, a treasure rare.

Ala-Pinay Disney princess ang ganda ng Tiktok star na si Maricon Escosis, pero kung paseksihan na ang pag-uusapan, kaya niyang sumugod sa laban dahil ibang level ang armas nito.

Sa kanyang TikTok account na @igmaricon_ok na may halos 100 thousand followers na, palaban sa awrahan ang content creator. Sa kanyang mga cute lip syncing videos hanggang sa mga nakaka-enjoy niyang pagsayaw sa viral challenges, game na game siyang ibigay ang kanyang karisma sa madla.

Hilig naman ni Maricon ang i-flex ang kanyang bikini body sa Instagram account niyang @maricon_ok. Talagang mapapatulala ang mga kalalakihang bibisata sa kanyang page dahil nanakawin talaga ng kanyang mga sexy photoshoot at pasabog selfies ang iyong atensyon. Hindi mapipigilan ng mga kelot na mapa-zoom in, zoom out sa kanyang mga ibinibidang post.

Todo-flex din si Maricon sa kanyang mga kaibigan at malalapit na tao sa kanyang buhay.

Pangunahing sandata man niya ang kanyang epektibong alindog, patunay naman ito sa pag-angat ng kanyang ngalan at hindi paglubog.

AUTHOR PROFILE