V5

‘Voltes V: Legacy’ cast, nag-volt in laban sa piracy

April 29, 2023 Ian F. Fariñas 393 views

Bilang bahagi ng anti-piracy campaign ng GMA Network, nag-release ito ng bagong video plug tampok ang lead stars ng live-action adaptation na Voltes V: Legacy.

Sa video, ipinahayag ng lead actor na si Miguel Tanfelix (Steve Armstrong) ang kahalagahan ng legal streaming platforms para sa kabuhayan ng mga gumagawa nito.

“Suportahan po natin ang local TV networks, local films at producers of original content by watching only on legitimate platforms,” aniya.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ysabel Ortega (Jamie Robinson) sa iba’t ibang agencies na patuloy na lumalaban sa piracy, “Salamat po sa lahat ng agencies that are continuously working to stop piracy. Malaking bagay poi to sa lahat ng nasa entertainment industry.”

Samantala, binigyang-diin ni Radson Flores (Mark Gordon) ang negatibong epekto ng piracy.

Sey niya, “’Wag po tayong mag-share ng illegally downloaded content. Piracy na ‘yun.”

Sumama rin sa appeal ang child actor na si Raphael Landicho (Little Jon), “Turuan po natin ang mga bata to stream responsibly para ‘di po sila ma-expose sa harmful content online.”

Ipinaliwanag naman ni Matt Lozano (Big Bert) ang potential ng mas maraming productions kung maiiwasan ang piracy.

Aniya, “Mas marami pa tayong mapo-produce na palabas kung pipiliin natin ang legit.”

Ang video na nagtatampok sa lead stars ng Voltes V: Legacy ay isa lamang sa efforts ng GMA Network upang hikayatin ang publiko na suportahan ang legitimate streaming platforms.

Ang Kapuso Network ay nakikipagtulungan din sa Alliance for Creativity and Entertainment (ACE), Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) at Video Coalition of the Philippines (VCP) upang labanan ang piracy.

Sa pamamagitan ng partnerships na ito, nagsasagawa ang istasyon ng iba’t ibang initiatives na may layuning mag-promote ng responsible streaming at mag-educate ng publiko tungkol sa masasamang epekto ng piracy.

Samantala, mapapanood na worldwide sa May 8 ang live-action adaptation na Voltes V: Legacy.

Ang series ay produced ng GMA Network in partnership with TOEI Company, LTD. at Telesuccess Productions.

Mapapanood ng Global Pinoys ang Voltes V: Legacy at iba pang Kapuso shows sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV sa pamamagitan ng pag-subscribe sa pay-TV partners ng GMA Network sa ibang bansa.

AUTHOR PROFILE