Barbie2

‘Maria Clara at Ibarra’ nananatiling no. 1 sa Netflix Philippines

April 29, 2023 Eugene E. Asis 385 views

JulieTULUY-tuloy ang success ng groundbreaking series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra!”

Mula nang ipalabas ito sa Netflix Philippines noong April 14, nananatili itong no. 1 series sa nasabing streaming platform.

Komento ng ilang netizens sa Facebook page ng Netflix Philippines, “It’s a good thing Netflix has this. I heard some good reviews kaya na-curious ako. I super like Klay’s acting. Very natural lalo na ‘yung mga modern language na nadala niya sa Noli era. Umaga hanggang gabi tinapos ko lahat ng episodes! Nakakaadik kasi!”

“Tinapos ko lang naman ‘yan ng 4 days, juskooo ‘yung puso ko after manood hahahaha! I’ve been binge watching this on Netflix. Whooah!

This series is so good! Ganyan talaga kagaling ang GMA gumawa ng drama na based on our history,” dagdag pa ng ilang viewers.

Marami ngayon ang nagbi-binge watch sa Netflix Philippines at binabalikan ang paglalakbay ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Ibarra (Dennis Trillo).

AUTHOR PROFILE