Trafficking Ang mga nasagip na biktima ng human trafficking. Source: Bureau of Immigration

Traffickers ng 6 na Pinoy papuntang Malta kinasuhan

March 27, 2024 Jun I. Legaspi 110 views

IPINAGHARAP na ng kaso sa piskalya ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang sinasabing human traffickers na nagtangkang mangasiwa sa biyahe ng anim na Pilipinong biktima patungong Malta.

Ayon kay Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) Chief Bienvenido Castillo III, ang mga biktima ay naharang noong March 22 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang tangkaing magpanggap na turista at tinangkang magtungo sa Hong Kong lulan ng Philippine Airlines.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng limang babae at isang lalaki na may kasama pang dalawang babae na umano’y kanilang churchmate.

Maraming nakitang inconsistency sa pahayag ng mga biktima kaya’t isinailalim sila sa secondary inspection.

Dito natuklasan na ang anim ay patungong Malta at nirecruit ng dalawang kasama nila.

Nagbayad umano ang mga biktima tig P300 hanggang P400 thousand bawat isa kapalit ng pagproseso ng kanilang aplikasyon.

Natuklasan din na tampered ang kanilang pasaporte at ang kanilang visa ay chemically lifted lamang dito.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, dapat managot ang mga recruiter na nagsasamantala sa pangangailangan ng mga biktima.

“Let this be a warning against human traffickers who dupe victims to agreeing to depart via illegal means,” saad ni Tansingco.

“The entire IACAT force is persistent in locating, arresting, and jailing these types of criminals,”dagdag nito.

Ang anim na biktima at dalawang recruiters ay itinurn over sa inter-agency council against trafficking for processing.

Agad namang isinailalim sa inquest proceedings ang dalawang recruiter habang ang mga biktima ay inayudahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

AUTHOR PROFILE