Magi

Ang pagbabasa ay isang panghabambuhay nakasanayan (Unang Bahagi)

April 27, 2024 Magi Gunigundo 111 views

“Ang taong hindi nagbabasa ay walang kalamangan sa taong hindi marunong bumasa.”― Mark Twain.

ANG pagbabasa ay isang panghabambuhay nakasanayan na pinababayaan ng maraming tao na lumaking hindi nauunawaan ng malalim ang kanilang binasa kaya minabuting huwag na lang mag-aksaya ng panahon sa pagbabasa. Wala silang kamalay-malay na ang pagbasa at malalim na pagbasa ay masalimuot, magkaiba ngunit interaktibo ang mga proseso nito at dapat na pinagkadalubhasaan ng lahat para sa kapakipakinabang na pamamalagi sa paaralan, tagumpay sa trabaho at mainam na kasiyahan.

Ang pagbabasa ay nangangailangan ng “literal” o “surface decoding” ng mga titik na bumubuo ng mgasalita, parirala at pangungusap ng isang teksto. Ngunit ang mas malalim na pag-unawa sa binabasa ay mas kumplikado dahil ang ating utak ay dapat magproseso ng relasyon ng mga salita at pangungusap sa isa’t isa, ang konteksto sa likod ng mga salita, kung gaano ang banayad na paggamit ng wika at bokabularyo ay maaaring makaapekto sa damdamin at kahulugan sa likod ng teksto, at kung paano nagsasama-sama ang teksto bilang isang mas malaki, magkakaugnay na kabuuan.

Madalas nating nauunawaan ang pinakapangunahing interpretasyon ng isang teksto, ngunit nawawala ang emosyonal na ubod o ang “malaking larawan” kung ano ang ibig sabihin ng isang partikular na teksto at ang mga ideyang sinusubukang ihatid ng may-akda, parehong textual at subtextual sa isang malalim naantas.

Upang ilarawan ang malaking kaibahan sa pagitan ng pagbabasa at pag-unawa sa pagbasa, sinabi ng World Bank na noong Hunyo 2022, 90.9% ng 10 taong gulangna mga batang Pilipino ay hindi nakakaintindi ng mga simpleng kwento. Ito ay sumasang-ayon sa mga resultang PISA 2018 at 2023 kung saan ang ating 15 taong gulang na mga mag-aaral ay natamo ang pinakamababang grado sa reading comprehension salahat ng bansang lumahok sa pagsusulit. Totoong nakakabasa ang mga bata, subalit hindi nila naiintindihanang kanilang binasa. Masakit na katotohanan ito para sa Dep Ed.

Kapalaluan na isipin na kapag natutong magbasa ang isang bata, maaari niyang malaman ang mga teknik at estratehiyang kailangan para magkaroon ng pag-unawa sa pagbabasa upang makabuo ng kahulugan mula sa kanyang mga nabasa. Dapat na masigasig na turuan ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral kung paano gumawa ng mga estratehiya at magsanay sa paggamitnito. Kung hindi, hahamakin ng mga bata ang gawain ng pagbabasa bilang isang pag-aaksaya ng kanilang mahalagang oras at ganap na ibinubukod ito sa kanyang gawain.

Makakakuha tayo ng hinuha mula sa mga datos naito na maraming nasa hustong gulang na Pilipino ay nababasa ngunit halos hindi naiintindihan ang mgapangunahing ideya o ang malaking larawan ng salaysay o ang ekspositori na babasahin na kanilang binasa dahil hindi nila alam ang mga estratehiyang ginagamit ng mahuhusay sa reading comprehension. Tulad ng sinabi niMark Twain, wala silang kalamangan sa mga taong hindi marunong bumasa. Balewala ang mga aklatang bayan nautos ng RA 7742 dahil mas gugustuhin pang maglaro ng basketball, maglaro ng video games, at mag-braws sa social media ang mga taong ito.

Ngunit sa kabutihang-palad para sa lahat, ang pag-unawa sa pagbabasa ay maaaring mapabuti pa (at hind pa huli ang lahat para magsimula kahit may edad na!) sa pamamagitan ng pagsasanay, pokus at kasipagan.

Sa loob ng maraming taon, ang pagtuturo sa pagbasa ay nakabatay sa isang konsepto ng pagbasabilang aplikasyon ng isang hanay ng mga nakahiwalay na kasanayan tulad ng pagtukoy ng mga salita, paghahanap ng mga pangunahing ideya, pagtukoy ng mga ugnayang sanhi at bunga, paghahambing at pag-iiba at pagkakasunud-sunod. Ang pag-unawa ng binasa ay tinuring bilang aplikasyon ng kasanayang ito. Gayunpaman, ang pananaliksik ng mga cognitive scientists ay nagpapakita na ang mga mahuhusay na mambabasa ay may mga partikular na estratehiya para sapag-unawa sa pagbasa na maaaring matutunan ng mg mahinang umunawa ng binabasa.

(Ating abangan sa susunod na pitak kung ano ang mga istratehiya upang lumalim ang pag-unawa sa binabasa).

AUTHOR PROFILE