Claudine

Claudine ayaw magpaligaw

May 8, 2024 Vinia Vivar 67 views

Mula nang maghiwalay sila ng asawang si Raymart Santiago, ayon kay Claudine Barretto, wala pa siyang nakakarelasyon muli at hindi rin siya nag-i-entertain ng suitors.

“Wala pa ring laman ang puso ko kundi mga anak ko,” sey ng aktres mang matanong sa mediacon ng upcoming film niyang Sinag.

Sa mata ng Diyos at ng mga tao, may asawa pa rin daw siyang tao dahil hindi pa annulled ang kasal nila ni Raymart.

“Sa ilang years kong hiwalay, kasal pa rin ako,” she said.

Bagama’t may mga nali-link-link sa kanya, aniya, walang katotohanan lahat ‘yun.

“Hindi ako nag-a-accept ng suitors ngayon although may mga tsismis pero wala namang proof na meron. Sarado ang puso ko ngayon hanggang ma-annul,” aniya.

Isa pa ngang rason kung bakit ayaw muna niyang magkaroon ng karelasyon ay ang kanyang mga anak.

“Ayokong makita ng mga anak ko na may ibang lalaki na umaaligid or magkaroon ako ng ibang relasyon until matapos ang annulment namin ni Raymart,” pahayag ng aktres.

At kahit ano pa man ang nangyari sa kanilang relasyon ni Raymart, labas naman dito ang mga bata kaya mahal na mahal pa rin ng kanyang mga anak ang kanilang ama.

“They love their dad very much,” sambit ni Claudine sa relasyon ng kids at ni Raymart.

“Kung anuman ang problem namin ni Raymart, sa amin na lang ‘yun. As they grow old, alam na nila kung ano ang nangyayari.

“I explain them that there are things I have to fight for and this is para sa inyo. Hanggang doon lang ang explanation ko. ‘Yung mga details wala na,” saad ng aktres.

Samantala, aktibo ulit si Claudine sa kanyang movie career dahil matapos magbida sa pelikulang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, sisimulan naman niya ang Sinag na ididirehe ni Elaine Cristostomo.

AUTHOR PROFILE