Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 8, 2024 People's Tonight 58 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4GAYA ng kanyang pagiging half Filipina at half Japanese, hindi lang isa ang kaya niyang ipakita. Tamang timpla ang kayang ibida ng TikTok star na si Mycah Sasaki sa mundo ng content creation.

Hindi papahuli sa patalbugan pagdating sa sayawan pati na sa lip syncing? Winner ang beauty pero kabogera rin ang kaseksihan? Kering-keri yan ni Mycah sa kanyang TikTok account na @igtherealmycasasaki19. Ang followers lang naman niya sa nasabing video-sharing app ay tumatabo ng 2.6 million.

Patunay lang na isa nang maliwanag na bituin ang kanyang pangalan sa social media. Patuloy ngang inaabangan ng kanyang mga tagasubaybay kung paano nakikisabay si Mycah sa viral challenges ng TikTok na siya namang bumebenta sa kanila.

Sa kanya namang Instagram page na @therealmycahsasaki19, hindi lang mabubusog ang kanyang followers sa lifestyle contents niya, pati na rin sa kanyang mga patakam na larawan ay tiyak na gaganahan ang mga male fans ni Mycah.

Hilig din niya ang mag-travel, ilang mga bansa na nga ang napuntahan ng social media star.

Bukod sa ganda, talento, at alindog ni Mycah, ang kanyang personality na maging game sa mga bagay ang isa sa mga naging dahilan kung bakit patuloy siyang minamahal ng netizens.

AUTHOR PROFILE