Ogie

Ogie walang galit o tampo sa pagkampi ni Liza kay Bea

May 8, 2024 Vinia Vivar 59 views

Nag-react si Ogie Diaz sa pagre-repost ng dati niyang alagang si Liza Soberano ng news report na idinemanda siya ni Bea Alonzo.

Matatandaang sinampahan ni Bea ng cyber libel sina Ogie at Cristy Fermin gayundin ang co-hosts sa kani-kanilang online programs.

Kasunod nito ay nag-viral din ang pagre-repost ni Liza ng naturang balita dahil siyempre, lumalabas na ang suporta niya ay nakay Bea at hindi sa kanyang dating manager.

Maging ang tatay ni Liza ay ni-repost ang news at may caption pa na “yessss…,” which means parang natutuwa pa siya.

Ayon kay Ogie, marami raw ang nag-send sa kanya ng screenshots ng pagre-repost ni Liza.

At ang kanyang reaksyon?

“Sa ‘kin, walang problema ‘yun. Okay lang. Karapatan niya ‘yun, eh,” pahayag ni Ogie sa kanyang vlog. “Account niya ‘yun, eh, Twitter account niya ‘yun, eh, or X account niya ‘yun. Okay lang,” dagdag niya.

“Sa akin lang ‘no, kung makakatulong sa career ni Liza ‘yung pagre-repost no’n, eh di i-repost niya nang i-repost,” aniya pa.

Nilinaw din niya na hindi naman siya galit o nagtampo kay Liza.

“Ang tagal-tagal ko na rito, ang tanda-tanda ko na. Kung magtatampo pa ako sa ganyan, parang baguhan lang ako,” sey niya.

Tungkol naman sa pagre-repost ng tatay ni Liza, hindi na niya ito pinapansin.

“Ganyan na siya sa ‘kin ever since, hayaan mo na siya,” sambit ni Ogie.

AUTHOR PROFILE