Edd Reyes

Dating lugar ng digmaan sa Mindanao, sentro na ng ekonomiya sa rehiyon

May 8, 2024 Edd Reyes 87 views

KABILANG ang lalawigan ng Maguindanao at Cotabato sa itinuturing na mahihirap na probinsiya dahil pagsasaka lamang ang karamihan sa ikinabubuhay ng mga naninirahan dito.

Noon kasi, iilan lang ang naglalakas-loob na maglagak ng puhunan para magtayo ng negosyo sa dalawang lalawigan dahil dito madalas maganap ang mabangis na bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at rebeldeng Moro.

Kahit mataba ang lupa sa dalawang lalawigan na puwedeng pagtaniman ng anumang uri ng produktong pagkain, lalu na ng palay, kulang naman sa patubig kaya’t nilikha noon si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ang Malitubog Maridaga Irrgation Project (MMIP) na magpapaunlad sa agrikultura at lokal na ekonomiya ng dalawang lalawian na mag-aahon sa kahirapan ang mga naninirahan.

Noong taong 1989, nasimulan ang unang bahagi ng MMIP na sumasakop sa 5,562 ektaryang lupa sa Maridagao sa Maguindanao at 1,611 ektarya sa itaas na bahagi ng Malitubog sa Cotabato. Taong 2011 hanggang taong 2015 naman ay nasimulan ang ikalawang bahagi ng proyekto na sumasakop sa taniman sa Pangalungan at Datu Montawal sa Magundanao del Sur, pati na sa Pikit at Alaosan sa Cotabato para sa may 9,528 ektaryang taniman na magbebenepisyo sa mahigit tatlong libong magsasaka.

Bunga na rin ng problema sa mga pagbaha at daraanang mga lugar ng patubig, hindi ganap na maipatupad ang proyekto hanggang muli itong isulong nito lang nakaraang taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na dahilan upang mapatubigan na ang bahagi ng 8,020 ektaryang taninam.

Bukod dito, isinulong din ni PBBM ang pagsasaayos ng mga lansangan mula sa mga taniman patungo sa merkado upang mapabilis ang delivery ng lokal na produkto na mag-aangat sa buhay ng mga magsasaka sa dalawang lalawigan.

Kumpiyansa si PBBM na magiging isang kamalig na ng bigasan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na dating lugar ng digmaan sa oras na matapos na ang ikatlong bahagi ng MMIP na kanyang isinusulong.

Imahe ng San Jose, isa ng patron ng Navotas

OPISYAL ng kinilala ng Lungsod ng Navotas bilang patron at tagapagtanggol ang imahe ni San Jose kasabay ng pagdaraos ng kapistahan ng San Jose De Navotas.

Kinilala ring kabilang sa mayamang kultura ang imahe ni San Jose de Glorioso, pati na sa pagdedeklara ang unang Linggo ng buwan ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas na nakapaloob sa dalawang magkasunod na nilagdaang Ordinansa ni Mayor John Rey Tiangco at mga miyembro ng Konseho.

Ayon kay Mayor Tiangco, napakamakabuluhan ang kanilang pagsisikap na mapangalagaan na masiglang kultura at pamana ng relihiyon lalu na’t bago pa man maging isang lungsod ang Navotas ay deboto na ang mga Navoteños kay San Jose.

Bago ang seremonya ng deklarasyon, isang misa ang idinaos ni Bishop Virgilio David na dinaluhan ni Congressman Toby Tiangco at may-bahay na si Michelle na sinundan ng pagsasagwa ng unveiling ng plano para sa San Jose Perpetual Adoration Chapel at paglalahad din ng estatuwa ni San Jose Glorioso sa patio ng simbahan na pinangunahan din ni Cong. Toby.

Ilegal na sugal sa Plaza Del Pan, tuloy pa rin

TULOY pa rin pala ang ilegal na sugal na drop ball at color games sa Plaza Delpan sa Binondo, ilang hakbang lang ang layo sa Binondominium I at malapit rin sa C.M. Recto na dinadagsa ng mga kabataan.

Kung hindi raw kayang ipatigil ng nakakasakop na detachment ng pulisya ang ilegal na sugal, baka raw puwedeng ipabatid na ito sa kaalaman ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Arnold Thomas Ibay.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE