Crime

Negosyante tigok sa pamamaril

April 26, 2024 Melnie Ragasa-limena 108 views

DEAD-on-the spot ang isang negosyante matapo barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek noong Huwebes sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Andy Mirasol Delopirre, 36, ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Angel Pascasio ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang pamamaril dakong alas-5:54 sa 168 Sto. Rosario St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nag aayos ang biktima ng mga computer sa kanyang internet shop nang pasukin ng suspek na armado ng baril, nakasuot ng jacket, pantalon at helmet.

Walang sabi sabing pinaputukan ng ilang beses ng suspek ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at saka tumakas.