Karla

Karla nakaka-touch ang b-day message kay Daniel

April 26, 2024 Vinia Vivar 154 views

Ngayong araw, April 26, ipinagdiriwang ni Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan.

Of course, isa sa mga kauna-unahang bumati sa kanya ay ang ina niyang si Karla Estrada.

Nag-post si Karla ng larawan nila nina Daniel at iba pa niyang anak. Maikli lang pero nakaka-touch ang birthday message ng aktres/TV host para sa panganay na anak.

“Mapayapa at maligayang kaarawan anak. pagmamahal na walang kapantay ang alay ko sayo aking panganay,” ang mensahe ni Karla.

Before his birthday ay nag-viral sa social media ang early celebration ni Daniel sa Child Haus na isang charity institution para sa mga batang may cancer.

Malkikita sa mga larawang lumabas sa socmed na nagkaroon ng gift-giving ang aktor sa Child Haus kids and got to spend some time with them.

AUTHOR PROFILE