BOC1

BOC lumagpas ng P3B target na koleksyon noong Abril

May 6, 2024 People's Tonight 53 views

MULING lumagpas ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC).

Nakakolekta ang BOC ng P80.822 bilyon noong Abril lagpas ng P3.192 bilyon sa itinakdang target nitong P77.63 bilyon.

Ito na ang ikaapat na sunod na buwan na nalagpasan ng BOC ang itinakdang target itong makolekta.

Mula Enero hanggang Abril, nakakolekta ang BOC ng kabuuang P299.674 bilyon na lagpas ng P11.148 bilyon o 3.86 porsyento sa target nitong P288.526 bilyon.

Ang nakolekta sa unang apat na buwan ngayong taon ay mas malaki rin ng 6.5 porsyento o P18.292 bilyon kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2023.

Ang BOC ang isa sa pangunahing pinagkukuhanan ng gobyerno ng pondo na ginagamit sa iba’t ibang proyekto at programa nito.

Ang magandang koleksyon ng BOC ay iniuugnay sa mas mataas na rate o assessment nito sa mga kargamentong pumapasok.

Sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio nagpatupad ng mga pagbabago ang ahensya gaya ng digital customs procedure upang mas mabantayan ang nakokolektang buwis.

Gumawa rin ng mga pagbabago upang maging mabilis ang pagproseso sa mga pumapasok na produkto sa bansa at pinaigting ang kampanya laban sa smuggling.

“By diligently executing our duties, we aim to not only meet revenue targets but also to catalyze socio-economic development initiatives that positively impact the lives of our countrymen. We strive to create a brighter future for all Filipinos, ensuring that the benefits of our efforts are felt across communities,” ani Rubio.

AUTHOR PROFILE