Runningman

Aktor, aktres nagkalasingan sa taping

April 27, 2024 Aster Amoyo 81 views

HANDANG-handa na ang cast ng ‘Running Man Philippines’ season two na mapanood ng viewers ang kanilang mga nakakaaliw na misyon sa pagbabalik ng most-watched reality game show on Philippine TV noong 2022.

Bukod sa pagbabahagi ng kanilang experience sa ‘Running Man Philippines’ season two na kinunan sa South Korea during winter, nagkabukingan din ang runners na sina Mikael Daez, Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, at Angel Guardian

Aminado si Kokoy na naiyak at natakot siya sa ilang misyon dahil takot siya sa heights, tubig, at horror.

Hindi rin niya inaasahan na malalasing siya kasama si Angel Guardian sa isang misyon.

Paliwanag ni Angel: “Sobrang saya no’ng misyon. Hindi po kasi namin in-expect na at one point, iinom kami sa mission tapos hindi namin natapos itong particular mission na ito. Ang ending nalasing kami.”

Kahit riot ang bawat misyon, maganda pa rin daw ang samahan nila, ayon kay Mikael.

Aniya, napamahal na siya sa kanyang kapwa runners.

Gayundin si Miguel na bagong pasok sa season two. Kwento niya: “Sabi sa ‘kin ni Ysabel (Ortega), tuwing kasama ko daw yung runners, sobrang authentic daw ako makitungo sa kanila. Sa iba, kumbaga, careful ako, conscious ako.”

Thai series sa GMA kapupulutan ng aral

ISANG bagong kwento ng pag-ibig ang handog ng GMA para sa Pinoy viewers ngayong paparating na buwan ng Mayo.

Iikot ang istorya ng Thai series sa dalawang taong mahuhulog ang loob sa isa’t isa, na kalaunan ay hahadlangan ng mga taong kanila ring minamahal at pinahahalagahan.

Makikilala sa serye ang isang lalaking doktor na sunud-sunuran sa kanyang ama.

Siya ay mai-inlove sa isang simple at masayahing babae.

Hanggang saan at hanggang kailan kaya ipaglalaban ng lalaki ang kanyang pagtingin para sa babaeng magbibigay kulay sa kanyang buhay?

Posible nga bang magbago ang pananaw ng isang tao kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan?

Huwag palampasin ang kanilang istorya.

Samantala, sinu-sino kaya ang Thai actors na mapapanood sa upcoming series?

Abangan sa GMA ang bagong love story na tiyak na kakikiligan at kapupulutan ng aral.

Ruru at Bianca nagsumpaan sa anniversary

NAG-CELEBRATE kamakailan ang Kapuso couple na sina Ruru Madrid and Bianca Umali ng kanilang “seventy months” na relasyon.

Five years and ten months na ang kanilang pagsasama. Kaya milestone ito para sa dalawa kaya hindi nila napigilan ang mag-profess ng kanilang pagmamahalan via social media

On Instagram, nag-post si Ruru ng photo nila Bianca sa Canada at may caption na:

“Seventy months of love, laughter, and endless adventures together. Mahal, your love and support mean the world to me. Thank you for choosing to love me every day. At pangako ko na ikaw lang ang pipiliin ko sa araw-araw, pangako ‘yan. Here’s to a lifetime of love and countless memories with you, my forever and always. @bianxa.”

Reply naman ni Bianca: “Sa araw araw ng habang buhay minahal, mahal na mahal at mamahalin kita, Ruru, mahal ko. Saksi ang Ama sa ating dalawa.”

AUTHOR PROFILE