Default Thumbnail

3 sasakyan nagkarambola sa Sta Cruz, 3 duguan

May 8, 2024 Jonjon Reyes 67 views

TATLONG sasakyan ang nagbangaan na nag esulta sa pagkasugat ng apat na katao na sakay nito.

Ang karambola ay naganap sa Aurora Boulevard sa panulukan ng Blumentritt Road, Sta.Cruz,Manila, Miyerkules ng madaling araw.

Bandang 12:07 ng madaling araw nang magkarambola ang mga sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Wigo, Honda Click Motorcycle , at Yamaha Aerox.

Sugatan at isinugod sa dalawang pagamutan kabilang ang back rider ng motorsiklo at tatlo pang sasakyan.

Base sa ulat ni Police MajorJaime Gonzales Jr. hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section( VTS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU), binabagtas ang nasabing panuluka ng driver ng Toyota Wigo na si Sonny Lao Jr.,ng bigla itong huminto sa traffic sign.

Nawalan ng kontrol at preno ang mga kasunod nito na nauwi sa karambola,kabilang ang dalawang motorsiklo ..

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbistigasyon at inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima.

AUTHOR PROFILE