Knife

Kelot nakipag-away sa b-day party ng jowa, kinadyot, todas

May 19, 2024 Melnie Ragasa-limena 150 views

NASAWI ang 17-anyos na binatilyo matapos saksakin ng bisita sa birthday party ng kanyang jowa sa Quezon City noong Linggo.

Nakilala ang biktima na si Jerome Lostreno, 17, estudyante, ng Cluster 23, ROTC Hunters, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Arestado ang suspek na si Huck Peter Alcazaren Novela, 23, ng 44 Lumot Maya Maya St., Brgy. Tatalon QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang ala-1:45 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa ika-4 na palapag ng gusali sa 27 Cluster 10, ROTC Hunters St., sa Brgy. Tatalon.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Jordan Barbado, ipinagdiriwang ng biktima ang birthday ng girlfriend na si Catherine kasama ang mga kaibigan na sina John, Christine Amazona at ang suspek.

Sa gitna ng inuman, nagkapikunan si Lostreno at Novela hanggang sa maglabas ng camping knife ang huli at sinaksak sa dibdib ang biktima.

Isinugod sa Fe Del Mundo Hospital ang biktima pero idineklara itong dead-on- arrival ni Dr. Jose Elvyn Limjuico.

Inihahanda na ang kasong murder laban sa suspek.