Boy

Backlash ng isyu kina Bea at Dominic, sinagot ni Boy

May 8, 2024 Ian F. Fariñas 60 views

ISA ang King of Talk na si Boy Abunda sa mga beterano na nananatiling “relevant” pa rin ang mga opinyon na umaani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.

Halimbawa na ang naging deklarasyon niya ukol sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque kamakailan.

Kaliwa’t kanang pamba-bash ang tinanggap ni Tito Boy mula sa netizens pero nang makausap siya ng entertainment press sa mediacon ng limited series niyang My Mother, My Story sa GMA simula May 12, nilinaw ng batikang host na, “No because I’m very intentional ally. My intention was primarily to appeal for kindness nga. Kasi during that time, ‘di ba, this is how far I’ll go. ‘Di ba during that time they are talking about it didn’t work kasi the previous relationship didn’t work. Dominic was being called names etcetera. Parang to me, it was getting into a level of… it was nasty.

Parang pwede ka naman mag-komentaryo, pwede ka naman mag-opinyon, pwede naman tayo mag-disagree pero parang just a line that I thought was being crossed during that time. Kaya ako nakiusap sa audience. May nakiusap ba sa akin? Nakiusap ba sa akin si Bea o kaya si Dominic na mag-appeal? Hindi, ako lang ‘yon. Ako lang ‘yon.”

Tungkol sa naging backlash ng isyung ito, ang sey ni Tito Boy, “No, that’s fine. With humility, I’m fine. ‘Yun ang mundo natin. Sabi ko nga kanina, it’s territorial. Bahagi ‘yan ng ating mundo. May matutuwa, may makakaunawa, may hindi makakaunawa, may mga bagay na ipaglalaban ka. Pero timing is very important. Sabi ko nga I am uncomfortable talking about this because I am not part of that issue now.”

Anyway, very timely at refreshing ang concept ng bago niyang show na My Mother, My Story dahil tatalakayin dito ang relasyong mag-ina ng mga celebrity.

Sa pilot episode, tampok si Luis Manzano, anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.

“It’s very personal to me — the emotional and revealing conversations with celebrities tungkol sa kanilang mga relasyon sa kanilang ina,” pag-amin ng host na kilalang sobrang malapit sa yumaong ina.

“Ibabahagi nila kung paano sila pinalaki ng kanilang magulang, paano itinaguyod, paano nasaktan, paano naging masaya sa buhay, paano tinuruan magmahal at paanong hindi natuto magmahal.

Pag-uusapan namin lahat ng mahahalagang karanasan na humubog sa kanilang pagkatao.

“This is about us and our mothers. Makaka-relate tayo dahil lahat tayo ay anak. Proud kami sa proyektong ito. I had this concept a long time ago and we’re putting this together para sa inyong lahat.”

Sakaling istorya nilang mag-ina ang ma-feature sa limited series, bet ni Tito Boy na si Jessica Soho ang mag-interview sa kanya.

Ang My Mother, My Story ay iere tuwing ikalawang Linggo ng buwan hanggang October.

AUTHOR PROFILE