Buboy

Buboy at ex wife naging magkaibigan

May 9, 2024 Aster Amoyo 69 views

PINATUNAYAN nina Buboy Villar at ng kanyang ex-partner na si Angillyn Gorens na puwedeng maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.

Nitong nakaraang Marso, muling nagkasama sina Buboy at Angillyn, matapos nilang kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong 2020. Kasunod nito ay nagtungo na si Angillyn sa Amerika.

Kasama nina Buboy at Angillyn sa kanilang bonding ang dalawa nilang dalawang anak, at ilang kaibigan.

Kinantahan pa ni Buboy ng sweet songs si Angillyn. Ayon kay Buboy, bahagi ng kanilang kasunduan ni Angillyn ang mag-get-together.

“Bilang nanay siya ng mga anak ko, tatay ako ng mga anak namin, so napagkasunduan namin na no hate to each other. Dapat love lang,” sabi ng Kapuso actor.

“Lalo na sa panahon ngayon ‘no? Ang init-init na nga ng panahon, bibigyan pa ba natin ng negative vibes? Wala lang po ‘yun, ano po ‘yun, parang bonding with the kids lang talaga siya,” dagdag niya.

Dahil nakabase na sa Amerika si Angillyn, sinabi ni Buboy na bihira nitong makita ang kanilang mga anak na nasa kanyang pangangalaga.

“So sinulit lang namin ‘yung time talaga with the kids. Kasi siyempre hindi naman niya nakikita talaga ‘yung mga anak namin kasi naka-base siya sa US. Talagang ‘yung mga ganoong moment, ‘di na dapat pinagdadamot pa,” pahayag ni Buboy.

Kaugnay sa naging reaksyon ng fans na kinilig sa pagkikita nilang muli ni Angillyn, sabi ni Buboy, “Well, masaya talagang kiligin. Masaya talaga ang feeling ng in love talaga pero salamat sa pag-intindi.”

Taong 2020 nang kumpirmahin nila na hiwalay na sila pero nananatili silang magkaibigan.

Kasama si Buboy sa Season 2 ng “Running Man Philippines,” na mapapanood na simula sa May 11 sa ganap na 7:15 p.m. sa GMA 7.

Mura nasunugan, halos walang naisalbang gamit

MuraSA isang iglap, ang bahay na ilang taon na pinagsikapan ni Mura na maitayo sa Ligao, Albay mula sa kanyang pagtatrabaho noon sa showbiz, ay naging abo.

Kasamang nasunog ang ilang gamit na regalo ng kanyang namayapang kaibigan na si Mahal.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” hindi naitago ni Mura, o Allan Padua sa tunay na buhay, ang matinding kalungkutan sa sinapit ng kanilang bahay na dalawang palapag.

April 27 nang masunog ang kanilang bahay at hindi na naagapan dahil sa malayo ang bumbero sa kanilang lugar.

Dahil sa may problema na sa paglalakad si Mura bunga nang tinamong pinsala sa aksidente sa tricycle noong 2010, halos wala na silang naisalbang gamit.

“Sa tagal mong nagtrabaho, pinaghirapan mo rin ito, hindi mo alam ganito rin lang mangyayari ulit. Kasi pangatlong sunog namin ito. Nakakalungkot lang kasi bigla rin siyang nawala. Hindi ko alam, iyon ang masakit. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Bakit kasi ito nangyayari sa amin. Kung puwede lang magpahinga na rin lang ako…tuloy-tuloy na yung pagpahinga ng buhay ko rin,” sabi pa niya.

Pansamantalang nakatIra ngayon sina Mura at ang kaniyang ama sa kanilang tiyahin sa Ligao din.

Sa kabila ng nangyari, ayaw ni Mura na maghanap ng sisisihin sa nangyaring aksidente.

Mas maraming Pinay beauties may chance sa Miss World pageant

MAS marami pang mga Pinay beauties ang magkakaroon ng chance na makasali sa Miss World Philippines dahil sa bagong franchise holder nito sa USA.

Sa post ng MWP via Instagram, ang McLelland Entertainment Production An Elite Chateau Inc. was named as the official franchise holder for the Filipino community in the United States. Sila ang pipili sa Filipino community ng United States’ representative to the Miss World Philippines competition.

Locally, marami ng franchises ang MWP sa Western Visayas, Cebu, Bukidnon, Olongapo City, Zambales, Pangasinan and Bataan.

AUTHOR PROFILE