Awra

Awra ‘di mapatawad ang sarili sa gulo sa Poblacion

May 8, 2024 Vinia Vivar 82 views

Makalipas ang halos isang taon mula nang masangkot siya sa gulo sa Poblacion, Makati, finally ay in-address na ni Awra Briguela ang insidente at humingi ng kapatawaran sa lahat ng kanyang nasaktan.

Sa Instagram ay naglabas ng mahabang open letter ang Kapamilya celebrity at inako ang mga pagkakamali.

“An open letter to the people I’ve disappointed, to the people who were involved, to the ones who believed in me, and especially to my family,” simula ni Awra.

Unang humingi ng tawad ang showbiz personality sa kanyang pamilya.

“Gusto ko simulan sa pag hingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema.

“Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten (sa) isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at mag pakasaya nang panandalian imbis na ayusin natin ang problema.

“Alam kong hindi naging madali sa inyo na makita at mapanuod ako sa sitwasyong hindi maganda. Patawad kung na dismaya ko kayo sa maraming bagay.

“Patawad kung nagbago ako at nag iba ang ugali ko. Alam kong hindi magiging madali pero pipilitin kong mag bago at susubukan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay,” ang mensahe ni Awra sa pamilya.

“Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay naway sana wag kayong mapagod na bigyan ako ng pag kakataon mag bago at bumawi sa lahat ng pag kakamali ko at ang pagkakataon na ‘to ay hinding hindi ko na sasayangin,” patuloy niya.

Kasunod nito ay humingi siya ng tawad sa mga taong nasangkot sa pangyayari at ibinahagi na nakipag-ayos na siya sa mga ito.

“To the ones who were involved, I would also like to to humbly ask for your forgiveness. The mistakes and all the damages that were done was mine and I am willing to take accountability and responsibility. I will take all of these as a lesson that I will carry for the rest of my life.

“I know we’re in good terms already and settled things privately but still want to say sorry and thank you for allowing and giving me the chance to apologize and for accepting it,” pahayag ni Awra.

Nag-sorry din siya at nagpasalamat sa mga taong naniwala sa kanya at na-disappoint niya. Inamin niya na hindi pa rin niya mapatawad ang sarili sa kanyang ginawa.

Lastly ay humingi si Awra ng tawad sa kanyang sarili na hinayaan niya ang kanyang emosyon na mamayani at hindi niya naalagaan ang sarili.

“All of these were such a real nightmare and I don’t want to let the fear win again. This definitely served as a big big lesson for me,” pagtatapos ni Awra.

Matatandaan na inaresto si Awra noong June, 2023 matapos masangkot sa isang gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati. Nakalaya siya matapos ang isang buwan na pagkakakulong.

AUTHOR PROFILE