BBM2

UniTeam bubuhayin muli ni PBBM

May 8, 2024 Chona Yu 83 views

TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na buhaying muli ang UniTeam para sa 2025 midterm elections sa Mayo.

Sa alliance signing ng Lakas-Christian Muslim Democrat at Partido Federal ng Pilipinas sa Manila Polo Club sa Makati City, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na gawing pormal ang alyansa para magkaroon ng political cycle.

“At, pagka–kagaya ng ating ginawa sa nakaraang halalan ay bubuoin uli natin–di naman–we have to formalize it because may political cycle, so bubuoin na uli natin at maifo-formalize uli natin ang UniTeam para naman ay pagka humaharap tayo sa ating mga kinabukasan, malalaman natin na tayo ay sabay-sabay na nagtutulungan, tayo ay sabay-sabay na kabalikat sa ating-sa ating layunin na pagandahin ang Pilipinas, pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinaghahanda ni Pangulong Marcos ang mga kakandidato dahil malapit na ang paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre.

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangang magkaisa para tuluyang makaahon ang Pilipinas.

Sa ngayon kasi aniya, hindi pa tuluyang natutugunan ang problema sa pagkagutom.

“We have not yet reached, we have not yet achieved that aspiration but if we stay united, if we look at the successes and the progress that we have made in the last two years, I’m confident that if we maintain that unity, not only for, not only for not the election purposes but all through the work of service that we have taken an oath to do for our people,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“If we continue to do that, then we will continue to be met with success, we will continue to be met with the progress that we dreamed of for Bagong Pilipinas at ang Bagong Pilipino kaya’t napakahalaga itong ating ginugunita na araw ng pag-lagda ng ating pagkakaisa muli,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang nabuo ang UniTeam ni Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte noong 2022 elections.

AUTHOR PROFILE