Charo4

Charo nag-viral dahil kay Eva Darren

May 29, 2024 Vinia Vivar 136 views

Viral ang mga larawang ipinost ng veteran actress na si Charo Santos-Concio nang dumalo siya sa 72nd FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts & Sciences) awards night nitong nakaraang weekend.

Isa si Charo sa mga naimbitahang maging award presenter sa naturang Gabi ng Parangal.

Sa Instagram post ng movie icon ay makikita ang mga larawan niya kasama ang iba pang veteran actors and actresses tulad nina Pilar Pilapil, Dante Rivero, Marissa Delgado, Divina Valencia, Efren Reyes, Jr, Nova Villa, etc.

Sa last photo ay makikitang nagbabatian sila ni Eva Darren na as we all know ay kontrobersyal ngayon dahil sa ginawang pang-iisnab sa kanya ng FAMAS bilang invited presenter.

Sa larawan ay obvious na si Charo ang lumapit sa table nina Eva para batiin ito at ang katabing senior stars.

“An exchange of kamustahans and hugs with my dear friends and co-actors in FAMAS,” caption ng former ABS-CBN president.

Sa comment section ay napakaraming nag-react sa last photo at komento nga nila, buti pa si Charo, nakita si Eva.

Narito ang kanilang mga komento:

“Bute pa si mam charo nahanap si ms.eva.”

“Everyone saw Eva Daren except FAMAS organization.”

“Madam Charo- naalala si Miss Eva? , yung FAMAS Hindi nila naalala si Miss Eva.”

“Bakit na hanap ni Mam Charo si Ms. Eva ang Famas staff hindi ahahha

“Buti pa si Madam matalas ang mata nahanap si Ms Eva. Un mga organizers nakapiring yata ??????.”

“Its nice to see Ms Charo greeting the pillars of the industry. It takes one to know one. Respect.”

Matatandaang ikinatwiran ng FAMAS na hindi nakita ng production staff si Eva kaya hindi ito nakapag-present ng award.

AUTHOR PROFILE