DMW

DMW:13 Pinoy, 1 Ukranian sa vessel na inatake ng Houthi ligtas

May 29, 2024 Jun I. Legaspi 193 views

LIGTAS lahat ang 13 Filipino crew members at isang Ukranian seaman sakay ng vessel ng atakihin ng mga rebeldeng Houthi Marter, May 28,2024, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ang ulat ay kinumpirma sa (DMW) ng local shipping manning agency.

Nagtamo naman daw ng sira ang vessel mula sa mga apat na misil na pinawalan ng mga rebelde.

Naganap ang pag-atake habang bumibiyahe ang vessel sa Yemeni coast malapit sa Hodeidah, Martes ng hapon (oras sa Pilipinas).

Ang vessel ay patuloy na bumiyahe sa sumunod na port call, ayon sa ulat.

Patuloy ang ginagawang communications ng DMW sa shipping and manning agencies.

Patuloy din ang monitoring ng agency sa safety ng mga Filipino seafarers.

In close contact din ang agency sa mga pamilya ng mga crew members upang mabigyan ng tulong na kailangan ng mag ito.

Ang lahat ay ginagawa ng agency ay ipinaalam sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA) kaugnay sa insidente.

AUTHOR PROFILE