Kimje

Laplapang pang-Guinness ng KimJe agaw-eksena sa ‘Seoulmeyt’ preem

May 29, 2024 Ian F. Fariñas 112 views

AGAW-EKSENA sa red carpet premiere screening ng Seoulmeyt movie nina Kim Molina at Jerald Napoles ang napakahaba nilang halikan sa closing credits ng pelikulang dinirek ni Darryl Yap.

Aliw ang mga um-attend sa pagiging conscious ni Kim habang pinapanood ang unang limang minuto ng 17-minute laplapan nila ng real-life boyfriend.

Talagang hindi siya mapakali at panay ang pihit sa kinauupuan niya. Paminsan-minsan, napapatakip pa siya ng mga mata sabay sigaw ng “tama na po!”

Tawanan tuloy ang audience at sa sobrang tagal, may pabiro pang sumigaw ng “get a room!”

Kwela nga ang reaksyon ni Kim sa tinawag ni Jerald na pang-Guinness nilang kissing scene.

Hindi naman nagpatinag ang mga nanood sa Cinema 7 ng SM North EDSA at panay ang pag-congratulate sa KimJe at kay Direk Darryl para sa matagumpay na reunion sa big screen.

Anyway, showing na sa mga sinehan nationwide ang Seoulmeyt na kinunan pa ang malaking parte sa Seoul, Korea mula sa Viva Films.

AUTHOR PROFILE