BBM1

Relasyon ng Pilipinas sa Brunie mahalaga para sa stability sa Indo-Pacific region 

May 29, 2024 Chona Yu 106 views

BANDAR SERI BEGAWAN, Brunei — Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng bilateral relations ng Pilipinas sa Brunei para mapanatili ang stability sa Indo-Pacific region.

Sa kanyang mensahe sa state banquet na inihanda ni Sultan Hassanal Bolkiah sa Istana Nurul Iman, sinabi ng Pangulo na malaking bagay ang magandang relasyon sa mga karatig-bansa para sa mapayapa at matatag na rehiyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangang magtulungan hindi lang para sa Asya kundi sa Indo-Pacific sa gitna na rin ng mga pandaigdigang hamon.

Kaya naman sabi ni Pangulong Marcos na mahalaga ang kanyang pagbisita sa Sultanate lalo’t nagkakapareho ang mga interes ng Pilipinas at Brunei sa maraming bagay.

“And so, it is important that we continue to work together on bilateral basis, also together with ASEAN, with BIMP-EAGA in all of these methods by which we can plan together for our own communities, for the peace and the stability of the region,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And not only for Asia, but for  the Indo-Pacific as well. It is important that those partnerships now be brought back into the modern world.

And I look forward for this state visit to  once more give an added impetus and warmth and inspiration to the relationship between our two countries,” dagdag ng Pangulo.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Bolkiah at ang buong Royal Family at ang mga taga-Brunei sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Nasa Brunei si Pangulong Marcos para sa dalawang araw na state visit.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos ay kasabay ng paggunita sa  40th anniversary of the cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Brunei.

AUTHOR PROFILE