Bea

New look ni Bea pinagkaguluhan ng celebs at netizens

May 29, 2024 Vinia Vivar 86 views

Pinagkakaguluhan ngayon ng netizens ang mga bagong photo na ibinahagi ni Bea Alonzo sa Instagram.

Sa mga larawan ay makikitang new look si Bea with her short hair at hindi maitatangging napakaganda pa rin.

Bukod sa ganda, pinuna rin ng netizens ang makahulugang caption niya.

“I haven’t met the new me yet, but I think she’ll be alright,” pahayag ni Bea.

Sa comment section ay kanya-kanyang reaksyon ang kapwa-celebrities niya at netizens.

Isa sa mga nag-react si Heart Evangelista. Aniya, “Whhhhhattttt??!!!!???????? wooooooowwww”

Komento naman ni Sarah Lahbati, “Beaaaaaa.” Dagdag pa niya, “SO SO GOOD.”

Reaksyon naman ni Andrea Brillantes, “WOAH.”

Sey ni Kakai Bautista, “Shereeeeeppp @beaalonzo.”

From Kyline Alcantara, “Oh myyyyy”

Pati ang GMA boss na si Annette Gozon-Valdez, nag-comment ng “Ganda!!! Blooming!”

As we write ay dalawang oras pa lang itong naipo-post, pero umani na ito ng mahigit 40,000 likes at sandamakmak na comments.

AUTHOR PROFILE