Yasmien

Yasmien may gender reveal

April 27, 2024 Aster Amoyo 69 views

MASAYANG ibinahagi ni Yasmien Kurdi sa social media ang isang gender reveal video para sa kanyang second baby.

Pero makalipas lamang ang ilang oras matapos itong i-upload, ikinagulat ni Yasmien na burado at nawala ang video sa Facebook at Instagram.

Kasunod nito, nag-post ang aktres ng isang screenshot tungkol sa natanggap niyang notification na mayroon siya umanong na-violate sa Community Standards ng social media.

Inalis ng Facebook at Instagram ang video dahil umano sa “bullying at harassment” na labis na ipinagtataka ni Yasmien.

“Just last night we posted a video of our mini gender reveal and to our surprise this was taken down on FB [and] IG due to bullying and harassment. We get reported a lot for wholesome contents. Hindi ko maintindihan kung bakit offensive na ang ganitong mga bagay ngayon, at ang kalaswaan tulad ng paghuhubad at pagmumura etc ay tanggap na tanggap.”

Sulat pa ni Yasmien sa caption ng kanyang post, “Ang i-report n’yo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po yung wholesome contents.”

Nag-iwan naman siya ng payo at isang tanong para sa netizens, “Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?”

Ayon kay Yasmien, naibalik na ng Facebook ang video ngunit sa Instagram ay tila burado na talaga ito.

Marian may kakaibang gustong gawin, ayon kay Dingdong

NAGPAPASALAMAT si Dingdong Dantes sa pagkilala sa kanila ni Marian Rivera sa ginawa nilang pelikula na “Rewind.”

Nakatakdang tanggapin ng mag-asawa ang Bida sa Takilya Award at the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards 2024 sa pagiging blockbuster ng kanilang pelikula na naging kalahok sa nagdaang Metro Manila Film Festival 2023.

“Salamat, salamat sa FAMAS sa pagkilalang ito. Lahat naman nito, lahat ng mga nangyayari, lalo na du’n sa pelikulang ‘Rewind’ eh lahat iyon ay ika nga, bigay ni Lods,” sabi ni Dingdong sa 24 Oras.

Matatandaan na si Dingdong ang itinanghal na Best Actor sa kauna-unahang Manila International Film Festival, na ginanap sa Los Angeles, California noong Pebrero.

Ipinalabas sa naturang festival ang 10 kalahok sa nagdaang Metro Manila Film Festival 2023.

Ang “Rewind” nina Marian at Dingdong ang naging highest-grossing Filipino film of all time, at puwede na itong mapanood sa Netflix.

Bukod sa kanilang TV projects, may mga movie projects sina Marian at Dingdong.

Bibida si Dingdong sa pelikulang “Love After Love,” habang may Cinemalaya entry na “Balota” naman si Marian.

“Excited na excited siya dito sa pelikulang ito dahil nandu’n na rin siya sa punto ng kaniyang buhay na gusto rin niyang gumawa ng mga edgy, mga challenging, at makabuluhang mga proyekto,” ayon kay Dingdong.

Napapanood din ngayon si Marian sa Kapuso series na “My Guardian Alien.” Habang host naman ng “Family Feud Philippines” si Dingdong

Faith at Kelvin hindi na makapaghintay

HINDI na makapaghintay ang dalawa sa mga pinakabagong Sang’gre na sina Faith Da Silva at Kelvin Miranda para sa kanilang costume sa upcoming fantaserye na Encantadia Chornicles: Sang’gre.

Kinuwento nina Faith at Kelvin na kamakailan lang ay sumailalim na sila sa ika-apat na fitting ng kanilang costumes.

“Siguro maganda lang din na paunti-unti nakikita namin ‘yung progress ng show,” sabi ni Faith.

Excited naman si Kelvin, hindi lang na masukat ang final costumes nila, kundi na makunan din siya ng picture na suot ito.

“Sobrang excited na’kong masukat siya ng final and makukunan na ‘ko ng litrato para meron na ‘kong pang-post or something na memorable para sa’kin. Hindi pwedeng hindi mapunta sa’kin ‘yung costume ko na ‘yan, at saka ‘yung mga gamit ko diyan.”

Nagbigay rin si Faith ng kaunting update pagdating sa set ng kanilang upcoming serye.

“Malapit na malapit na matapos ‘yung set, pero until now siguro sa mundo pa sila ng mga tao nagfo-focus,” ayon sa Sparkle star.

AUTHOR PROFILE