posas

Rider tiklo sa nenok na motor, sumpak

April 26, 2024 Jonjon Reyes 147 views

NAHULI ng mga operatiba ng Tactical Motorized Rider’s Unit (TMRU) ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 ang binata na nagmamaneho ng karnap na motorsiklo at pinatatakbo pa ng walang helmet at lisensya bukod pa sa pagdadala ng sumpak sa San Miguel St., Binondo, Maynila noong Biyernes.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 4136 (no protective helmet at driving without License), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 10883 (The New Anti-Carnapping Law of the Philippines) ang suspek na si alyas Enrico ng Old Site Baseco Compound, Port Area, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander, bandang alas-3:30 ng umaga ng masita ng TMRU personnel ang binata kasama ang apat pang iba.

Nang halughugin ang motor, nakita ang nadiskubreng nakaw ang motorsiklo at nakitaan pa ng sumpak na may isang bala.

AUTHOR PROFILE