Crime

Tabloid fotog, 2 pa inulan ng bala; sugatan

June 29, 2023 Melnie Ragasa-limena 261 views

SUGATAN ang tatlong katao kabilang na ang photographer ng isang tabloid newspaper matapos pagbabarilin sa Quezon City Huwebes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Masambong Police Station nangyari ang pamamaril bandang 3: 50 ng hapon Hunyo 29, 2023 sa kahabaan ng Corumi Street Corner Gazan Street Barangay Masambong Quezon City.

Sakay umano ng isang Ford Everest ang photographer ng Remate na si Joshua Abaiad kasama ang kaniyang kuya at pamangkin ng paulanan ng bala ng dalawang armadong kalalakihan na sakay ng isang kulay silver na Toyota vios.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Kasalukuyang ginagamot si Abaiad at ang iba pang sugatan sa Capitol Medical Center.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.