Default Thumbnail

Lolo nasagasaan ng truck habang tumatawid, dedo

May 29, 2024 Melnie Ragasa-limena 102 views

DEAD on the spot ang 60-anyos na lolo nang masagasaan ng truck habang tumatawid sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Isagani Arcadio Pascua, 60, walang asawa, jobless at nakatira sa No. 1852 Blumentritt Sampaloc Manila.

Agad namang sumuko ang driver ng Isuzu truck (RLA-713), na si Noelito Lacasandili Coderias, 42, at residente ng Villa Santos Munoz Nueva Ecija.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, bandang 11:00 ng gabi (May 28), nang maganap ang aksidente sa A. Bonifacio Ave., kanto ng Calavite St., Brgy. Paang bundok, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSMS Roy Torre ng Traffic Sector 1, tumatawid ang biktima nang mahagip ng kanang gulong ng truck.

Natumba ang biktima hanggang sa magulungan pa ang ulo nito ng truck na agaran niyang ikinasawi.

Inihahanda na ang kaso laban sa truck driver.