Sunog Inaapula ng mga fire volunteer ang apoy sa sunog kung saan na-trap ngunit nakaligtas ang isang lalaki. Kuha ni JONJON C. REYES

Kelot hindi sinukuan ng rescuers, inilabas sa nasusunog na paaralan

May 29, 2024 Jonjon Reyes 151 views

NAILIGTAS ang isang lalaki na na-trap sa ikalawang palapag ng kilalang eskuwelahan matapos magkasunog hapon ng Miyerkules sa Intramuros,Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog ganap na alas 2:05 ng hapon sa Colegio de San Juan de Letran sa Legazpi Street.

Sa inisyal na ulat, narinig ng mga residente ang isang lalaki na sumisigaw sa may bintana ng ikalawang-palapag ng gusali .

Agad nasagip ang lalaki ng mga rescuers gamit ang isang aluminum ladder ngunit makapal ang grills ng bintana.

Dahil dito, gumamit ang mga rescuers nmg grinder upang maputol ang bakal ng bintana at mailabas ang lalaki sa gusali.

Makalipas ang mahigit 30 minuto, matagumpay na nailigtas ang lalaki sa pagkaka-trap .

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala..

AUTHOR PROFILE