Sarah

SARAH X BAMBOO TICKETS, ILALABAS NA

June 5, 2023 Jun Nardo 393 views

PANIBAGONG gastos na naman ang paghahandaan ng Sarah Geronimo Popsters.

Aba, halos fresh pa sa utak nila ang nakaraang sold-out anniversary concert ni Sarah, heto naman ang collab concert nila ng singer na si Bamboo, huh!

Titled Sarah X Bamboo, magaganap ang concert sa July 7 sa Araneta Coliseum.

Bukas, June 7, ilalabas ng tickets.

Ang pinamahahal na presyo ng tiket ay almost P20,000 habang ang general admission ay P900.

So kayod, kayod, Popsters, para makaipon ng pambili ng tickets.

May reunion movie pa with John Lloyd Cruz na gagawin si Sarah. Mabubuntis kaya siya bago matapos ang taon na wish ng asawang si Matteo Guidicelli?

AUTHOR PROFILE