Ruru Larawan mula sa IG/@rurumadrid8

Ruru inspirasyon si Robin

September 25, 2023 People's Tonight 233 views

INAMIN ng aktor na si Ruru Madrid na malaking inspirasyon niya sa maraming bagay ang TV personality at politician na si Robin Padilla.

Sa kanyang Instagram page nitong Linggo, Setyembre 24, nag-alay ng mensahe ang “Video City” star para sa mambabatas.

Sey ni Ruru na idolo niya si Robin pagdating sa pagiging action star at tinitingala niya ang mga nagawa nito.

“Kayo po ay malaking inspirasyon para po sa akin pag dating sa paggawa ng mga ma-aksyon na eksena. Tunay na kayo po ang aking tinitingala sa larangan na ito at pangako na pagbubutihin ko ang lahat ng aking ginagawa,” pahayag ni Ruru sa caption ng kanyang post.

Saludo rin ang aktor sa pagiging senador ni Robin. Aniya mahal daw ni Robin ang mga Filipino at hinahangaan niya ang pagiging makatao nito.

“Ngunit hindi lamang dito kaya ko po kayo hinahangaan, kundi sa pagiging makatao. Alam ko po kung gaano niyo kamahal ang [sambayanang] Pilipino at lahat ng iyong taga suporta. Kaya muli Maraming Salamat po!” wika pa ng aktor.

AUTHOR PROFILE