Maris Screenshots mula sa X/@MissMarisRacal

Pudpod na bangs ni Maris nakaabot sa Thailand

September 25, 2023 People's Tonight 350 views

HINDI lang sa Pinoy netizens mabenta ang humor ng singer-actress na si Maris Racal dahil sa ibang bansa rin tulad ng Thailand ay nakaabot na ang kanyang video kung saan mapapanood ang kanyang pudpod na bangs.

Sa kanyang X (Twitter) account, ibinahagi niya ang video kung saan makikita siyang umiiyak habang nagta-type sa keyboard ng laptop, at ilang sandali pa ay makikita namang magbabago ang ekspresyon ng dalaga na animo’y nagiging palaban habang pinupunasan ang luha at inaayos pa nga ang pudpod niyang bangs.

“Basta mag ingat nalang kayo sa pag gupit ng micro bangs topper/wig,” sey ni Maris sa isang tweet niya tungkol sa video.

Ni-repost ng isang netizen ang nasabing video ng isang account na may handle na @jsmtjyygyjbbjb at tila ba taga Thailand.

“Got a new meme saved to play again,” saad ng netizen.

“I LOVE THAILAND. umabot nanaman po tayo sa kanilaaa,” pahayag naman ni Maris.

Matatandaang noong March 2021 ay nag-post din si Maris ng kapareha na meme video na siya namang nag-viral din hindi lang sa Pilipinas maging sa kanyang international audiences.

Kinagiliwan naman ng mga Pinoy netizens ang pag-viral ng video ng aktres.

“So so iconic for this! QUEEN OF MEMES!!”

“HAHAHAHAHHAAH meme source ka talaga mima.”

“INTERNATIONAL ICON.”

“Isang sawadee ka nga dyan Madam hahahahaha!”

“Always! Madalas ka nagagamit pang meme!”

“Itayo mo ang bandera mhie! Gogogo.”

AUTHOR PROFILE