Pepe dumanas ng mental illness at depression

March 3, 2024 Aster Amoyo 196 views

Pepe2Pepe1UNTI-UNTI na ring nagsa-shine bilang singer, actor-comedian si Pepe Herrera na may dalawang entry sa nagtapos na 2023 Metro Manila Film Festival. Una, ang top-grosser and Filipino box office film of all time na “Rewind” na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kung saan siya tinanghal na Best Supporting Actor sa 1st Manila International Film Festival na ginanap sa Directors Guild of America in Hollywood nung nakaraang February 2, 2024 at pangalawa, ang family drama movie na “A Family of Two (A Mother and Son Story)” na pinagsamahan ng megastar na si Sharon Cuneta at Kapuso multi-media star na si Alden Richards.

Nitong nakaraang Pebrero ay dalawang hit movie ni Pepe ang ipinalabas, ang Filipino adaptation ng 2001 Korean movie na “My Sassy Girl” na pinagtambalan nila ni Toni Gonzaga na dinirek ni Fifth Solomon for TinCan Films (ni Toni Gonzaga) at ang “I Am Not Big Bird” na pinagsamahan naman nila ni Enrique Gil (in his comeback bid). Malapit na rin siyang mapanood sa isang bagong serye ng ABS-CBN, ang local adaptation ng hit Korean TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim” kung saan sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang mga pangunahing bituin.

Natutuwa rin si Pepe na may gagawin siyang isang musical play (his first love), ang Parokya ni Edgar musical na “Burugudugstuystugudugstoy”.

Everything is coming up roses sa career ni Pepe, isang bagay na kanyang ipinagpapasalamat sa Diyos. He is also blessed with a supportive partner na si Sarah Mallari na isang visual artist and interior designer at ang kanilang dalawang anak na sina Pay (Payapa) – 3 at ang bagong silang na si Ito (Pepito).

Although hindi pa kasal sina Pepe at Sarah, inuna muna nila ang sarili nilang bahay but wedding will definitely happen. Hindi nga lamang siya (Pepe) nagbigay ng eksaktong petsa kung kelan ito mangyayari.

Kahit produkto si Pepe and his five other siblings ng isang broken family, modern family ang trato niya sa kanilang pamilya. Both parents are into social service at pareho na ring may kani-kanyang bagong partner pero walang anak kaya silang anim na magkakapatid lamang ang anak ng kanilang separated parents kung kanino sila nananatiling close hanggang ngayon.

Since he was a young boy ay mahilig na si Pepe kumanta at mag-perform at napapasali siya sa kanilang stage plays in high school. He also starred in “Jesus Christ Superstar” play nung siya’y nasa high school with him playing the lead role.

In college, gusto sana niyang kumuha ng advertising but his mother prodded him to take up music dahil ito ang kanyang hilig bagay na kanyang sinunod. He took up Music Education at the University of Sto. Tomas Conservatory of Music. After he graduated from college, sinubukan niyang maging seaman and performer sa isang cruise ship at doon lamang niya na-realize na gusto niyang maging isang theater actor na hindi naman naging mahirap sa kanya. Pero aminado si Pepe na nagbukas ang showbiz sa kanya nang gawin niya ang hit musical na “Rak of Aegis” which featured the OPM hits ng 90’s band na Aegis in 2014. Isa sa mga nakapanood sa kanya ay ang veteran award-winnng actress, film producer at host na si Charo Santos-Concio while she was still the president-CEO at that time ng ABS-CBN. Tinanong niya si Pepe kung gusto nitong mag-artista at kasunod na rito ang pagtawag sa kanya ng secretary ni Charo para papuntahin sa kanilang tanggapan kung saan naman siya ipinakilala sa ibang executives ng Kapamilya network at sa dating head ng Star Magic na si Direk Johnny Manahan. Kasunod na rito ang kanyang pagiging bahagi ng Star Magic na kadasalan ay pawang mga young talents lamang ang kinu-kontrata.

Nung 2016, naging bahagi si Pepe sa top-rating and longest-running action drama series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” where he played the role of Benny na parang sidekick ng character ni Coco na si Cardo. Naging bahagi rin siya sa hit Metro Manila Film Festival movie na “Super Parental Guidance” na pinagbidahan nina Vice Ganda at Coco Martin hanggang maging sunud-sunod na ang dating ng offers sa kanya. Nakasama niyang muli si Coco sa “You’re My Boss” na pinagtambalan nila ni Toni Gonzaga.

Just when maganda na ang takbo ng showbiz career ni Pepe ay saka naman ito nagkaroon ng depression, ng mental illness crisis na siyang naging daan ng kanyang maagang pamamaalam sa “FPJ’s Ang Probinsyano” para harapin ang kinakaharap na problema. He took a break from showbiz for a year at muli siyang bumalik in 2018.

Ayon kay Pepe, dumating pa umano sa point na gusto niyang wakasan ang buhay dahil sa depression. Pero bago ito nangyari ay nakapag-seek na siya ng guidance, sa New Life Holistic Center in Taiwan at dito umano bumalik ang kanyang confidence sa sarili.

Pepe is an advocate ng Greenpeace and he’s also a vegan. Puro plant-based products lamang ang kanyang kinakain without meat and dairy products tulad ng eggs, cheese and milk at unti-unti na rin umano niyang naku-convince ang kanyang partner na si Sarah but without pressure from him.

Paul at Toni quota na sa dalawang anak

ToniToni1Toni2QUOTA na ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga sa pagkakaroon ng dalawang anak na sina Seve (Severiano Elliott) – 7 at Paulina Celestine (almost 7 months old). Tuwang-tuwa naman ang parents ni Toni na sina Pinty at Bonoy Gonzaga sa kanilang dalawang apo. Pero umaasa ang mag-asawa na mabibigyan din sila ng mga apo ng kanilang second child na si Alex Gonzaga at ang mister nitong si Mikee Morada.

Spoiled kay Alex ang kanyang dalawang pamangkin na sina Seve at Polly (kahit wala pa itong isang taon), isang indikasyon na mahilig ito sa bata at umaasang mabibiyayaan din sila ng kanyang mister na si Mikee ng sarili nilang anak balang araw. Ang singer, actress-comedienne at vlogger na si Alex ay dalawang beses nang nagkaroon ng miscarriage.

Napakasuwerte ng mag-asawang Bonoy at Pinty sa pagkakaroon ng dalawang anak at sons- in- laws na responsible at mababait gayundin ang kanilang dalawang cute apos.

GoFundMe nabuo para sa paglaya ni Ricardo

RicardoANG fraternal twin brother ng actor na si Ricardo Cepeda (Richard Go in real life) na si Robert Go ang nagpasimula ng fund-raising campaign sa pamamagitan ng GoFundMe para makalikom ng malaking halaga for Richard’s legal expenses dahil sa pagkakadawit nito sa isang investment scam ng isang kumpanya na wala naman siyang kinalaman.

It was in October 2023 nang arestuhin si Richard for 43 counts of syndicated estafa na non-bailable pero wala siyang koneksyon sa kumpanya kundi ang pagiging brand ambassador lamang. He is not even part of the board at wala ang pangalan ni Richard sa SEC Registration ng kumpanya at maging sa pagiging bahagi nito.

Dahil sa pagkaka-aresto ay tuluyan nang nawala ang character na ginagampan ng actor sa tumatakbong “FPJ’s Batang Quiapo” .

Kilala si Richard sa pagiging professional sa trabaho, mabait, simple at marunong makisama kaya marami ang nabigla sa pagkakaaresto sa kanya sa isang krimen na wala naman siyang kinalaman.

Bukod sa pamilya ni Richard, umaasa rin ang kanyang partner, ang veteran model at actress na si Marina Benipayo na maibibigay sa actor ang fair judgement at ito’y mapapawalang sala sa lalong madaling panahon.

Si Richard o Ricardo Cepeda (sa kanyang screen name) ay ex-husband ng actress-vlogger na si Snooky Serna kung kanino siya may dalawang grown-up daughters na sina Sam at Sachi.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE