Kim Kim Jones

Jericho at Kim: Ex lovers, best friends na ngayon

March 3, 2024 Eugene E. Asis 125 views
Echo1
Jericho Rosales

PINATUNAYAN nina Jericho Rosales at Kim Jones (isang British-born Australian model, photographer, blogger at part-time TV host) na former lovers could be good friends. Or even best friends.

Nang i-announce nila noong Enero na naghiwalay na nga sila, marami ang nagulat, lalo nang malaman nila na matagal na pala silang on separate lives.

All the while, akala ng marami ay nasa New York pa rin sila, trying to make it in the US scene. Ani Jericho, nang i-announce nila ang tungkol sa kanilang breakup, pareho na silang handa at nakapag-move on na.

Kaya naman parang naging madali para sa kanila. Pinag-usapan nila itong mabuti, in-assess ang mga bagay-bagay, at naramdaman nila na mas maganda pala kung maging magkaibigan sila.

“We were just talking about it, laughing about it,” sabi ni Jericho.

“I think the best part was that it was considered a ‘success’ when we felt that people understood and people saw that things like this can happen. And it shouldn’t always be sad. It shouldn’t always be a bad thing. You know what I mean?” patuloy ni Jericho.

“We’ve crossed over, you know, we’ve transformed the relationship into something really special as friends,” dagdag pa niya.

Nakakalungkot para sa iba ang mga paghihiwalay, pero naging bukas ang kanilang puso’t isipan at ang panibagong pagkakaibigan ay naging mabuti para sa kanila.

“It’s one of the best things that ever happened to us. And we wanted for people to be inspired and show them that, ‘Hey, look, it can be done. You can be friends with your ex,'” ani Jericho.

Ang totoo, makikita ang suporta nila sa isa’t isa sa kanilang mga Instagram post.

At hindi lang ‘yan sa salitakundi sa gawa dahil nakakapagtrabaho rin sila nang magkasama. Naging modelo ni Kim si Jericho sa isang project niya bilang photographer para sa isang kilalang global brand. Sa ngayon, nagtutulungan pa sila sa isang bagong project, isang pelikula kung saan ay producer at co-writer si Kim na si Echo ang bida.

Samantala, ang huling project ni Echo ay ang international prison drama na ‘Sellblock’ na collaboration ng Philippines, Hong Kong at US producers.

AUTHOR PROFILE