Beadom

Boses ni Bea, narinig sa virtual meeting ni Dominic

March 2, 2024 Vinia Vivar 226 views

Tuwang-tuwa ang fans nina Dominic Roque at Bea Alonzo sa mga tsikang lumalabas ngayon tungkol sa kanilang mga idolo na tila on the road to reconciliation na.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, may mga bagong rebelasyon na ibinahagi tungkol sa BeaDom relationship.

Ayon kay Ogie, according to fellow writer/vlogger Jobert Sucaldito, narinig sa isang virtual meeting ni Dominic ang boses ni Bea sa background.

“Gusto kong i-quote si Jobert Sucaldito. Dahil daw sa isang Zoom meeting kasama si Dominic Roque ay hindi nai-mute ni Dominic ‘yung kanyang microphone du’n sa Zoom meeting. Kaya na-overhear ng mga ka-meeting nila sa Zoom ‘yung something like ‘hon, you like tacos?’” tsika ni Ogie.

Isa rin umanong source ang nagsabi sa kanya na bago tumungong Singapore si Bea ay natulog si Dom sa bahay nito.

“’Eto naman meron ding nagsabi sa akin, ewan ko kung totoo ito, ha. Kasi importante sa kanila natin marinig, kay Bea at kay Dominic, kung totoo na bago mag-Singapore si Bea kasama ang family, eh, doon pa natulog sa kanya si Dominic,” sabi ni Ogie.

“May nagsabi lang sa akin na before she left for Singapore, eh, ‘yun nga, natulog daw du’n si Dominic. ‘Di ko naman alam kung saang bahagi ng bahay ni Bea natulog si Dominic,” dagdag pa niya.

Ayon naman umano sa isa pa niyang source, muling nagkita ang BeaDom after ng Singapore trip ng aktres.

“Pero ‘yung malinaw sa akin na ikinuwento, ewan ko lang kung totoo din, ah, importante marinig natin sa kanila, na after ng Singapore naman ay nagkita ulit sila. Pumunta ulit doon si Dominic at nakatulog sa sala, sa sofa,” sey ni Ogie.

Anyway, kung totoo, good news ito para sa BeaDom fans. Pero siyempre, tama rin na kailangang manggaling sa dalawa ang kumpirmasyon.

AUTHOR PROFILE