Bianca

BIANCA BEST GIFT AT WORST ENEMY NI RURU

March 2, 2024 Vinia Vivar 134 views

Sa gitna ng sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz, nakakatuwang mayroon pa rin namang matibay na matibay ang relasyon at isa na rito ang celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Habang ang ibang mga showbiz couple ay nagpo-post ng confirmation of their breakup, sina Ruru at Bianca naman ay patuloy na ipinagsisigawan ang pagmamahal sa isa’t isa.

Tulad na lamang ng latest post ni Ruru para sa kaarawan ng girlfriend.

Ang sweet ng message niya at looking forward na siya sa kanilang future together.

“Happy birthday to the most amazing woman in my life! You are truly the Yin to my Yang, My partner in laughter and My worst enemy.

“Dahil sa pagmamahal at pag-alaga mo, binago mo ako patungo sa mas mabuting tao. Binigyan mo ng direksyon and buhay ko, dahil ikaw ang inspirasyon ko sa araw-araw. Im grateful to have you as my best friend for life and I can’t wait to see our future unfold together,” bahagi ng birthday message ni Ruru sa GF.

“Hindi ako magsasawa na sabihin sayo kung gaano ka kaganda sa araw-araw at kung gaano ako nagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko. Muli, Maligayang kaarawan sa pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buhay ko.

“Mahal na mahal kita, Maria Isadora Bianca!” sey pa ng aktor.

Sumagot naman si Bianca sa comment section ng “My worst enemy – indeed. mahal na mahal na mahal kita.”

AUTHOR PROFILE