Maine

Maine, hiniritan ng apo ng tatay ni Cong. Arjo

March 2, 2024 Vinia Vivar 116 views

Apo ang hirit ng tatay ni Cong. Arjo Atayde na si Art Atayde sa birthday celebration ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon, March 2.

Sa naturang noontime show ay ipinakita ang video greetings para kay Maine ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Isa sa mga bumati si Papa Art at hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa sa gusto niyang sabihin.

“First of all, I would like to greet my very nice, very loving and beautiful daughter-in-law, Maine Atayde, a very, very happy birthday,” ang simula ng mister ni Sylvia Sanchez.

Pagkatapos nito ay diretso nang humirit ng apo si Papa Art.

“Ayan, Maine, ha, pinupuri kita dahil birthday mo. Pero tumatanda ka na, so, where’s the baby?” sabi ni Papa Art.

Natawa nang bonggang-bongga si Maine sa sinabi ng biyenan.

Hirit pa ni Papa Art, “Ano bang ginagawa ninyo ni Arjo? Palibhasa puro shopping siguro.”

Tawa nang tawa si Maine sa kanyang mapagbirong biyenan.

Kinantyawan ni Vic Sotto ang birthday celebrator na sagutin ang sinabi ng biyenang lalaki.

Natatawang sabi ni Maine, “Coming soon.”

Dagdag pa niya, “’Pag binigay po ni Lord.”

Sabi naman ni Joey de Leon, “Puro shopping, ha!”

Pero ang talagang ikinagulat ni Maine ay ang biglang pagsulpot ni Arjo sa studio para surpresahin siya.

“Surprise!” sabi ni Arjo.

Sa gulat ni Maine ay nagkunwari siyang nahimatay at talagang nahiga pa sa sahig kaya tawanan ang lahat.

AUTHOR PROFILE