Catriona

Engagement photos binura ni Catriona

May 9, 2024 Vinia Vivar 64 views

Hindi nakaligtas sa matitinik na mata ng netizens ang pagbabagong naganap sa Instagram account ni Catriona Gray.

According to them, binura na ni Catriona ang engagement photos with Sam Milby sa IG nito.

True enough, hindi na nga makita sa IG ng beauty queen ang mga nasabing larawan.

Hindi pa malinaw kung totally deleted na ang nasabing engagement photos o inilagay lang ni Cat sa archive pero the fact na inalis niya ito sa kanyang feed, mukhang senyales ito na hindi pa sila nagkakaayos o hindi na magkakaayos.

Matatandaan na nagbigay ng statement ang management nina Cat at Sam tungkol sa relasyon ng dalawa noong Pebrero matapos ngang kumalat na hiwalay na ang engaged couple.

Ayon sa pahayag, may issues na inaayos ang magkarelasyon.

Pero nitong nakaraang buwan ay spotted ang dalawa na sweet na sweet sa birthday celebration ng manager kaya akala ng marami ay nagkaayos na ang celebrity couple.

Pero mukhang naiba na naman nga ang ihip ng hangin ngayon dahil sa bagong development na ito.

As of this writing, wala pang inilalabas na statement sina Sam at Catriona tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

AUTHOR PROFILE