Default Thumbnail

Instant ‘karma’

May 20, 2024 Melnie Ragasa-limena 89 views

Rider tinakbuhan rider na nabangga, sumalpok sa concrete barrier, tigok

TIGOK ang rider ng sumalpok sa concrete barrier ang kaniyang motorsiklo matapos takbuhan ang nabanggang kapwa-rider noong Linggo sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang 29-anyos na rider na residente ng Brgy, Payatas, Quezon City.

Sugatan naman si Pastor Moises Ganiban, 51, ng No. 814 Mindanao St., Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, Quezon City at kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Traffic Sector 5, nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa harap ng Payatas Elementary School sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Sakay ang nasawing rider ng Rusi Sigma sa Montalban patungong Commonwealth Avenue nang mabangga si Ganiban na sakay ng Honda click.

Sa halip na huminto, pinaharurot umano ng biktima ang kanyang motorsiklo hanggang sumalpok sa concrete barrier na naging sanhi ng kanyang kamatayan.