Tigok PATAY–Dead-on-the-spot ang biktima matapos pagsasaksakin ng suspek habang nakatalikod habang sinisiyasat ng mga operatiba ng MPD homicide section ang nakahandusay pang biktima. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki tInigok ng kapitbahay

May 20, 2024 Jonjon Reyes 87 views

SINAKSAK at napatay ang 24-anyos na lalaki ng kanyang kapitbahay sa Balut, Tondo, Maynila noong Linggo.

Nakilala ang biktimang si Jester Mullet, construction worker at residente ng permanent housing sa Balut, Tondo.

Nakatakas ang suspek na kapitbahay ng biktima na nakilalang si Alexander Banzuelo.

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang alas-5:54 ng hapon ng maganap ang pananaksak sa biktima.

Nabatid sa report ng pulisya na noong Abril pinagnakawan ng suspek ang biktima.

Kaya ng magkita ang dalawa, nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi pa umano sa sakitan, suntukan at pananaksak sa biktima na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

AUTHOR PROFILE