Crime

Rider todas sa rider sa Malabon

May 20, 2024 Edd Reyes 104 views

TINODAS ng lalaking nakaangkas sa motorsiklo ang 21-anyos na binata habang ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa Malabon City noong Sabado.

Kitang-kita sa CCTV ang pamamaril ng salarin sa biktimang si alyas Julius Kulot ng Bagong Barrio, Caloocan City na namatay agad dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa report kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nangyari ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon sa harap ng De La Salle University sa Brgy. Potrero habang inaayos ng biktima ang pagparada ng kanyang motorsiklo.

Nakita rin ng testigong si alyas Rolly, 39, vendor ng mani, ang pagdating ng dalawang lalaking magka-angkas sa motor na parehong naka-itim na jacket at huminto sa tabi ng biktima.

Bumaba ang naka-angkas na salarin na armado ng baril at malapitang binoga ng tatlong beses ang biktima bago tumakas papunta sa Bagong Barrio, Caloocan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang kapulisan para sa pagkakakilanlan sa suspek at inaalam pa ang motibo sa pagpatay.

AUTHOR PROFILE